Sa Impyerno
Nang mamatay si Juan, siya ay napunta sa impyerno. Napansin nyang maraming naggagandahang babae roon ngunit may problema. Kaya kinausap niya si taning.
Juan: Mr. Taning, maraming magagandang babae rito sa impyerno pero wala silang mga butas. Bakit?
Mr. Taning: Pag may butas ang mga yan e di nasa langit ka na!
***************************************** Sweldo
Si Juan na isang accountant ay napilitang mag apply ng trabaho sa isang maliit na kumpanya dahil matagal na siyang tambay.
Ngayon ang araw ng kanyang interview. Nalaman nya sa secretary na problemado ang may-ari ng kumpanya at sya ang mag-iinterview kay Juan.
May-ari: (mukhang problemado) Ahhh....Mr. Juan dela Cruz, please come in and have a seat.
Juan: Thank you very much, Sir! (medyo kinakabahan.)
May-ari: Alam mo, talagang kailangang-kailangan ko ng accountant ngayon dahil masyado na akong namomroblema sa dami ng aking mga iniisip dahil lumalaki itong kumpanya.
Gusto ko ng accountant para siya na ang mamroblema sa financials ng kompanya at handa ko syang paswelduhin ng sandaang libong piso bawat buwan.
Nagulat at natuwa si Juan dahil sa laki ng sweldong ibibigay ng may-ari. Kaya't sya'y nagpakitang gilas.
Juan: Kung gayon, handa po akong tanggapin kahit anong problemang nais nyong problemahin ko.
May-ari: Sige, tanggap ka na at pwede ka nang mag-umpisa sa lalong madaling panahon.
Juan: (Tuwang-tuwa) Sir, nagtataka lang po ako kung bakit kaya nyong magpasweldo ng ganoong kalaki gayong maliit lang po itong kumpanya natin?
May-ari: Yan ang una mong problema!
hehehe
***********************************
Dacos
Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si
ZORRO!
Misis: E ako, sino?
Mister: Si DACOS!
Misis: Dacos? Sino 'yun?
Mister: DA COS of all my ZORROs!
hehehehe
******************************************
3 tanga nagsisiksikan sa maliit na **kama**:*
TANGA1: Pare, di tayo kasya. Bawas tayo ng isa, sa lapag na
lang matulog. (Bumaba si Tanga 3.)
TANGA2: Ayan, pare maluwag na, akyat kana dito!
********************************************
NILIGAW
MISIS: Dear, iligaw mo nga tong pusa. Nakasako na.
Dalhin mo sa malayo!
MISTER: Ok!
makalipas ang 7 oras...
MISIS: Bakit ka ginabi? Niligaw mo ba ang pusa?
MISTER: Bwisit na pusang yan! Kundi ko siya sinundan, di
ako nakauwi!
*********************************************
Napadpad ng Laguna
Napansin ni Jane na mangiyak-ngiyak si Mary.
Jane: Anong nangyari sa iyo?
Mary: Hayup talaga ang bf ko!
Jane: Bakit naman?
Mary: Sakay kami ng kotse. Nasa Ortigas na kami nang tanungin niya ako kung saan kami pupunta. Ang sabi ko, kahit saan.
Jane: (Takang taka) Naku, anong nangyari?
Mary: Ayun, bigla nyang niliko ang sasakyan...nakapasyal ako ng Laguna di oras.
**********************************************
PUZZLE
JUAN: Pare, ang bilis kong nabuo 'tong puzzle!
PEDRO: Talaga? Gaano kabilis?
JUAN: 5 months!
PEDRO: Tagal naman!
JUAN: Tagal ba 'yun? Nakalagay nga dito: "for 3 years & up"!
**********************************************
Pinapaselos
Nagring ang telepono.......
AMO: Inday, sagutin mo an telepono baka kabit yan ng Sir mo!!!
INDAY: Si Ma'am talaga...pinapaselos ako!!!
hehehe
**********************************************
48 anyos
MATRONA: Sa palagay mo, mahal, ilang taon na ako?
BINATA : Kung titignan ka ng naka sideview, 18 ka lang; kung nakatalikod naman 16 lang; kung sa tangkad, 14 ka lang. Bale pagnakaharap ka ang total ay 48, sweetheart.
Wednesday, September 30, 2009
It's Free JOKE!!
Posted by Admin at 7:11 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Quote for Today:
In order to change we must be sick and tired of being sick and tired.


0 comments:
Post a Comment